Wednesday, December 30, 2009

found this on FB--

BY: M.C. DUANE/LAMBING LANG ANG KATAPAT MO!!!!

WARNING:

SASAKIT ANG MGA MATA MO SA KAKABASA NITO
DAHIL ITO NA YATA ANG PINAKA-MAHABANG
BLOG NA ISINULAT KO NA MABABASA MO.....

Just loan me your EYES for 45 minutes, Walk with me...

* Isipin mo na lang kinukwentuhan kita habang naglalakad tayo sa Roxas BLVD. papuntang PIER *


PAUNANG SALITA: Minsan ang "utak" natin ay "walang puso", at kadalasan naman ang mga "puso" natin ay "walang utak". -duanesis of a.p.o.k.a.l.i.p.s.i.s.

( Ang Pahayag O Katotohanan At Lirikong Isinulat Para Sa Inaping Sugatan. )



CHAPTER I:

Pagkatapos ng masaya at matagal na relasyon paano ka nga ba makakabangon muli at magpapatuloy? O kahit sa maikling panahon lang kasi minsan kahit sandali mo pa lang nakilala yung tao eh minahal mo na din s’ya na halos katumbas ng pang-habang buhay na!! WOW PARE BIGAAAATTT!!! Ang hirap nga naman mag move-on lalo na minahal mo talaga yung tao at maganda naman ang pinagsamahan nyo pero dumating sa point na ‘hindi pala kayo talaga’… Super sad ang mode mo nito pero dapat kang gumawa ng paraan para ma-overcome mo ang iyong nararamdaman.

Sa buhay natin, may mga taong darating para ipalasap ang tinatawag nilang “pagmamahal”, may mag-iistay, may napadaan lang, at meron parang halos sumilip lang sa buhay mo sabay sibat! Shet!! Minsan may taong dumaan lang sa buhay mo para saktan ka at ipamukha sa’yo ang feeling kung paano din ang masaktan, mga naghahanap ng damay! Magpa-powertrip na yan at naiisip nya na.. “mukha kang matatag ah tingnan natin ang POWERS KO sa’yo ngayon!!” At ayan na, pag dumating na ang mga sandaling nahulog ka na sa “BALON” ng pagmamahal nya “HE or SHE GON’ CLIMB UP” naman pabalik sa itaas ng “BALON” na pinanggalingan nya na parang si SADAKO lang galing sa pintuan ng puso mong pinasukan lang nya para MAG-STOP OVER sandali at handa na ulit s’yang dumirecho sa kanyang tunay na patutunguhan.. sa kanyang totoong rota… UNFORTUNATELY, IYON AY HINDI SA DAANAN PAPUNTA SA PUSO MO. Wellz, that person ain’t ready to “FALL” for you that’s why. Well, congratulations N’ welcome to the club! NAYARE KA!!! =p

Bukod dyan, eh mas marami pang ibang MASASAKLAP na pangyayare at mga cases ng mga nabigo sa pag-ibig, at alam ko din na sawang-sawa na kayo sa kasabihan na “pag ikaw ay nadapa, bumangon ka”, kaya ngayon nag-isip si M.C. DUANE ng ibang mga paraan upang I-REPAIR AT GAMUTIN ANG MGA PUSO NATING SUGATAN. (So mekaniko na pala ako ng puso ngayon?) haha! para kasing kotse yung puso natin eh, pag mas mabilis ang “takbo”. . . (ang takbo na tinutukoy ko ay nagsasalarawan ng PINTIG at PAGTIBOK ng ating puso, naks!!) kaya pag mas mabilis ang takbo at nabangga ka… mas matindi ang DAMAGE!! TOTAL WRECK talaga!!! Pag nagdahan-dahan ka at nagmi-minor ka lang ng konti.. mabangga ka man eh hindi ka gaano masasaktan, parang puso din natin yan eh, dba? Eniweiz.. hindi ko sinasabi na wag na kayong maghamahal ng todo UNFAIR naman yun sa mga mamahalin nyo pa lang in the future, pero maglaan din kayo ng konti para sa sarili nyo, kasi paano kayo magmamahal ng ibang tao kung sarili nyo nga hindi nyo kayang mahalin??

Bigyan kita ng simpleng Halimbawa: Ikaw tinitipid mo ang sarili mo, sa pagkain, sa gamit etc. Pero pag bibili ka ng pang-regalo sa kinababaliwan mo na tao eh to the highest level ka!! NO LIMIT talaga parang si MASTER P, nakalimutan mo na din mag-ayos ng sarili mo, pumorma, bumili ng mga bagong damit mo, pabango etc. at TOOTHBRUSH N’ TOOTHPASTE na din kung medyo nananapak na ang hininga mo!! Sige ka wala nang hahalik sa’yo nyan kasi siguradong ma-na-KNOCK-OUT!! Haha!! GALANTE ka pagdating sa taong minamahal mo, ang tanong? Na-a-appreciate ba naman kaya nya ang “Ninoy Aquino International EFFORT” mo?? Hanggang paglipasan ka na ng panahon ni hindi mo na iniintindi ang sarili mo, Baka sa huli eh MAG-CRASH yang PUSO mo na parang EFLANE sa EFFORT!!! FWE!!! Punyetang “F” Virus yan!! At hindi mo na din napapansin mukha ka ng FALABOY este PALABOY SA LANSANGAN!!! NANGGIGITATA KA NA kakaisip sa kanya PURO NA LANG SIYA, SIYA… at SIYA!! O S’YA eto imajinin na natin ang worst case scenario… sa kabila ng mga ginagawa mong pagsuyo sa kanya eh ipinagpalit ka pa din nya sa iba or iniwan ka pa din nya, or binalewala nya lahat, pakshet!! Ngayon sino pang magkakagusto sa’yo mukha ka ng PULUBI SA DAAN! IBINUHOS MO LAHAT NG POWERS MO SA KANYA, kaya ngayon DRAINED na DRAINED ka na, kaya nawalan ka na ng gana sa lahat… Di ka na nag-aayos, puro sya kasi ang inintindi mo kaya ikaw ang napag-iwanan, tapos sya ngayon sisihin mo… YAN ANG MALI!! Well mali din talaga ang sisihin mo sya eh, wala kang magagawa.. di ka talaga nya TYPE, hindi naman nya kasalanan na magustuhan mo sya at mahalin mo sya eh, kaya pasensyahan na lang… kung mahal ka talaga nya kahit maging kamukha mo pa ang pwet ng lelong mo na puro burnik eh swerte ka, okies??

Kaya maglaan ng konti para sa sarili pero wag naman sobra kasi baka masyadong tumaas naman ang tingin mo sa sarili mo ngayon at masyado nang maging “PROUD” ang datingan mo at IKAW naman ngayon ang hindi iintindi sa nararamdaman ng iba eh TSI-TSINELASIN KO NG HAVAYABAS ANG PAGMUMUKHA MONG BATA KA!!! “Ganda mo ah!! AMPOGI mo ah!!!” Yan ang sasabihin ko sa’yo!! Lahat ng sobra masama, pag masyado namang kulang masama din, I-LEVEL MO LANG KAPATID yung tamang-tama lang ang timpla parang POP COLA!!! Mga kapatid, itong sinasabi ko sa inyo eh hindi ko naman sinasabing 100% na garantisado ‘to pero siguro kahit sa 1% lang ng mga sinasabi ko ay may mapupulot tayo at makakatulong sa atin kahit papaano, kaya kung gusto mo na talagang makalimot halika na sa byahe natin!!! (Sigurado ako pag yung mga ADIK ang nakarinig ng salitang BYAHE nagigiyang na yan hahahaha!!!)

Ok then let’s move on to my sh!t…..

Wellz, in my opinion, the first step in moving on is admitting N’ accepting the fact that it’s OVER. You broke up because the relationship is not working anymore. You just have to admit na hindi na talaga kayo pwede. If you’re meant to be, you’re meant to be.

Lalo lang kayong magkakasakitan pag ipinilit nyo pa nang BONGGANG-BONGA ang mga panget ninyong mga sarili sa isa’t isa!!! Haha jowc!! *PANGET PALA HA?? BAKIT PERPEK KA?! PERFECT KA??!!!* (LMFAO!!!) At higit sa lahat may mga tao pang pwedeng madamay sa LABSTORI nyo katulad na lang ng mga taong malalapit sa inyo at may care sa relasyon ninyo, kaya dapat magfocus ka na lang sa mga dapat i-prioritize- first and foremost, your relationship with God; your family and friends; your studies, your career (Parang showbiz ka lang ah! Taray!) and syempre yourself. Learn to appreciate N’ take care of yourself. Don’t think na walang nagmamahal sa’yo. Marami sila, nasa paligid mo lang and they will support you all the way at wag na wag ninyong kakalimutan ang PINAKA TARANTADO SA INTERNET!!! ANG WALANG KA-KWENTA KWENTANG SI GANGSTER RAPPER BOY M.C. DUANE of APOKALIPSIS na handang tumulong sa inyo nang bongga kahit puro MORAL SUPPORT lang… umaga, tanghale, gabe, madaling araw kahit sa merienda, breaktime at midnight snack! At wag na wag nyong kakalimutan ang recess!! Y’all know naman na ako ay handang magsulat ng mga NAKAKAPRANING NA BLOGS para totally makapag-move on ka na, sila, kayo at kung sinu-sino pa!! Oh N’ yeah, Remember: God is preparing the best Man/Woman for you. You just have to wait for the right time and right circumstance… You can’t move on unless you do that. A person in denial will never get past the stage of moving on. You have to ask yo’self din what lessons God wants you to learn sa nangyari sa inyo. I believe God allows us to experience these kinds of trialz N’ heartachez in life to make us grow stronger and wiser, y’knowhat i’m sayin?? =)

For starters, eto ang mga pwede mong gawin:

Nurture the pain for a while, it’s your right to hurt..

then if you get tired of crying N’ hurting. . .

you’ll know that there are a lot of other emotions that you deserve to feel..

then you’ll just let the time heal all wounds. . . ( TRU DAT!! )

Or kung gusto mo naman…

1. Isipin mo sya sa umaga
2. Isipin mo sya sa hapon
3. Isipin mo sya sa gabi at madaling araw at kahit pag leap year na din!

Pag nakakalimutan mo. . . isipin mo agad!!

Eventually, magsasawa ka na rin,

kakaisip, pag dating ng ilang araw pa,

kusa nang di mo naaalala,

mukhang UMAY na UMAY ka na huh!?!

PERO DEPENDE SA TAO YAN NOH!!

Minsan kasi sa buhay ng tao, meron tayong mamahalin ng sobra. At kung sino pa yung pinahalagahan mo at minahal ng sobra yun pa ang sobrang nakasakit sa atin. Sabi ng iba kung gaano ka daw nasaktan ganon mo din siya kamahal, kasi kaya ka nasasaktan kasi mahal mo, di ka naman daw masasaktan kung WALA LANG.

Ang heartaches kasama sa buhay natin yan eh. Pero paano nga ba ang gagawin mo pag yung sobrang minahal mo ay hindi pala para sa’yo? Iyon bang buong buhay mo pinangarap mo na sana siya na nga at sana kayo na FOREVER… Forever ever?? foreva eva?? for eva eva?!? TEKA SINO BA SI EVA?!! ALING EVA ECHOZERANG FROG KA NAMAN PANGGULO KA EH!! MAGULO KA PA SA PUBIC HAIR EH!!!! LOLS!!! Okay let’s continue.. Pero yung forever na yun ay hindi pala “siya”. Aray nako!! *OUCH!!!!*

OH YEAH!! IT’S LIKE DAMN!! LIKE WHOA!!!

Pinipilit mong intindihin pero hindi maabot ng tamang pag-iisip mo, kung bakit hindi pwede maging kayo. Masakit, oo sobrang sakit, kung baga sa kanta “ knife cuts like a knife how will I ever heal I’m so deeply wounded knife ” meron pa.. ” the first cut is the deepest ” o yung kay Michael V. na old skool song yung…

Sinaktan mo ang puso ko
Sinaksak mo ng kutsilyo
Binuhusan mo ng asido
Pinukpok ng martilyo

Sinaktan mo ang puso ko
Ngayon ako’y naghihingalo
Mauubusan na ‘ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso ko

At marami pang kanta na sumikat dahil sa heartaches. Naiisip ko normal lang naman talaga ang masaktan eh. Kasi halos lahat ng tao nakakaranas nun… lyk forealz!!!

At dahil nakita ko sa aking FRIENDSTER, FACEBOOK, MYSPACE, TAGGED, BEBO, TWITTER, MULTIPLY, Hi5, ADULTFRIENDFINDER at BANGBUS na maraming nagtatanong kung paano daw ba mag move-on sa isang broken relationship ng magkasintahan, mag-asawa O kahit tipong M.U. lang basta may nararamdaman kayong FEELING NA KAKAIBA SA ISA’T ISA?? *TANG INA PAG-IBIG YAN!!!* =) Kaya eto naman ang sagot ko: Depende siguro sa sitwasyon kung paano ka nasaktan. May iba’t iba kasing sitwasyon eh tulad nito:

1. Sobrang minahal mo na sya, parang kayo na… na hinde. Kahit saan mo tingnan sadyang (ANG GULO sa lahat ng ANGGULO!!), umiikot ang mundo mo sa kanya, pero nang tumagal nag-iba na sya ng hangarin, iba na ang nararamdaman sa’yo. Dati parang M.U. kayo na di nyo mawari, ngayon hanggang kaibigan na lang talaga ang tingin sa’yo, parang ang dating nag-a-audition ka muna sa kanya. Minsan hirap pa s’yang sabihin sa’yo kaya lalo kang maguguluhan, yung tipong gusto mo ng itanong sa kanya na “ANO BA TALAGA TAYO?? HINDI NGA TAYO PERO BAKIT NATIN GINAGAWA ANG MGA BAGAY NA’TO?? ANO BA TALAGA AKO SA BUHAY MO?? PAMPALIPAS ORAS LANG BA AKO?? SINASABI MO NA NAMIMISS MO AKO… AT NAMIMISS DIN NAMAN KITA at alam ko din na ITONG TRATO NATIN SA ISA’T ISA ay “MORE THAN JUST FRIENDS” at “LESS THAN MAGJOWA” kasi HINDI NAMAN TAYO, PARANG M.U. NA HINDI??! PERO SANA HINDI MO NA LANG IPINADAMA YAN SA’KIN, KASI BAKA HANAP-HANAPIN KO NA ‘TO EH… DI BALE SANA KUNG WALA KANG BALAK ITIGIL YAN, PERO SANA HINDI MO NA LANG IPINARAMDAM, kung AALIS ka rin lang…” Pero wala kang lakas ng loob sabihin kasi natatakot ka sa mga pwede nyang sabihin na hindi lang magiging maganda sa pang-unawa mo at baka masaktan ka lang agad lalo DAHIL PINILIT MO SYA AT MINADALI MO LAHAT ANG MGA PANGYAYARE EH KAYA DAHIL DYAN MA-PE-PRESSURE LANG SYA NA ANG MAGIGING RESULTA AY IKAIINIT LANG DIN NG ULO NYA AT PAGKAINIS SA’YO KAYA IMBES NA MAGANDA ANG MARIRINIG MO EH MAKAKATIKIM KA LANG NG MGA MASASAKIT NA SALITA NG DI ORAS, kaya minsan palilipasin mo na lang ang panahon at ikaw ay “mag-go-GO WITH THE FLOW” na lang muna kahit alam mo na naman sa sarili mo na sa “IMBURNAL PA DIN NG REJECTION” aanurin ang iniaalay mo na pagmamahal sa kanya, minsan paaasahin ka pa, akala mo may hinihintay ka pero wala naman talaga, kasi wala naman syang sinabing maghintay ka eh, tipong PAKIRAMDAMAN na lang ang labanan, nangyayare yan kahit dun sa mga NAGLILIGAWAN pa lang, M.U. = Malabong Usapan at NAGKAKAMABUTIHANG PUSO, Isang napakalaking PALAISIPAN yan. Walang sinabi ang Crossword Puzzle!!! =)

2. Sabi nya friendship is all he/she can offer. Pagkatapos ng lahat sasabihin nya cool off muna tayo, after a week or so friends na lang tayo. Haller? pwede ba yun? friends? can ex-lovers be friends? Mahirap yun. Pero in my case posible na yun, napag-aaralan na yan… “KUNG GUSTO MAY PARAAN, KUNG AYAW MAY DAHILAN”-lyrics ko yan sa underground song namin na apokalipsis nung 1997!! pino-promote ko pa?? hahahaha!! =)

3. O kaya… it’s not you, it’s me.. (WOW!!! YAN ANG DIALOGUE NI MARICAR REYES SA COMMERCIAL NYA NG KFC HOT N’ SPICY CHICKEN, REMEMBER??) So ayun na nga, it’s not you, it’s me.. hindi ikaw ang problema .. ako… Mga tamang alibi ba. KAYA KUNG AKO SA’YO GAYAHIN MO YUNG KA-PARTNER NYA SA TV AD NA YUN ng kfc AT SUMIGAW KA NA LANG DIN NG “HOOOOOOOOOO!!!!” na parang na-anghangan ka lang sa maaanghang sa salita nya sa’yo!! hahahaha!!

4. Eto ang mas masakit, ” Hindi na kita mahal, meron nang iba ”…. nangyayare din ito madalas sa mga MAG-ASAWA kasi minsan NAGKAKASAWAAN na sila, kaya pag may isa sa kanila na di matanggap ang desisyon ng bawat isa sa kanilang mag-asawa…. (KUMUHA NG LUBID, KUMUHA NG LASON, KUMUHA NG BARIL NA KWARENTA’Y SINGKO, PUMUNTA SA TULAY, LUBID AY ITALI, UMINOM NG LASON at IKAW AY MAGBIGTI, SABAY BARIL SA ULO!!) Morbid!!! Hindi kita binibigyan ng idea ha!! Mas masarap pa din mabuhay lalo na pag sinusuwerte ka kahit gawin mo pa ang mga bagay na yan tapos may HIMALANG magaganap na katulad nito… (NANG MAGBARIL KA SA ULO ITO’Y DUMAPLIS, TINAMAAN ANG LUBID kaya NALAGOT ITO sa KINAKAPITANG TULAY at IKAW AY NAHULOG sa ILOG at NAKAINOM KA NG TUBIG KAYA NAILUWA MO ANG ININOM NA LASON!!! HAHAHA!!! ANGAS DI’BA??! Ibig sabihin hindi mo pa talaga oras!!! Kasi MASAMANG DAMO KA!!! Magbagong buhay ka na!!!

5. OR.. Ikaw lang ang may nararamdaman.. one sided love ba.

At marami pang scenario kung paano ka nasaktan, y’knowhat?? madami pang iba. Ang hirap … kasi kung mahal na mahal mo tapos ganyang mga approach ang maririnig mo, malamang kung di malakas ang tolerance mo sa pain mabaliw ka na. Una tatanungin mo ang sarili mo ..

BAKIT? BAKIT AKO PA? WALA NAMAN AKONG KASALANAN!!! NAGMAHAL LANG AKO?? PUTRAGIS!!!

Minsan sinisisi mo pa yung NASA TAAS kung bakit nangyayari sa iyo ito? Bibitawan ang mga katagang “Ano ang gagawin ko?” Bigla na lang tutulo ang luha mo… bababa ang tingin mo sa sarili mo, iisipin mo unlikable ka, LOSER, *You’re such a LOSER YAYA!!!* Walang kwenta, Walang kasing panget and Wala ng magtyatyagang magmahal sa’yo N’ all that crap na puro pagse-self pity na lang ang ginawa mo sa sarili mo! Hmf!! Sadyang nakakababa talaga ng self-esteem pag yung taong gusto mo hindi mo makuha kahit anong gawin mo. . . Mahirap kalaban ang puso lalo na ang ego.

Yung iba gagawa ng paraan para mawala ang sakit na nararamdaman.. magwawala, kung dati good girl.. ngayon ang tawag sa kanya ” GOOD GIRL GONE BAD ” sisirain ang sarili dahil lang dun. Kung lalaki naman syempre good boy naging BADBOY.

*well kung si M.C. DUANE ang tatanungin nyo.. eh dati na akong BADBOY, pero nasa lugar naman* =)

Yun iba maglalasing, lulunurin ang sarili sa alak para mawala yung sakit na nararamdaman pero pag gising mo bukas doble ang balik sayo.. BROKEN HEARTED ka na nga BROKEN HEAD ka pa! Kasi masakit ang ulo mo sa HANG-OVER pero andun pa din ang sakit sa puso mo. YIKES!!! Kaya BLAME IT ON THE A-A-A-A-A-ALCOHOL. . . ISISI MO SA A-A-A-A-A-ALKOHOL!!!!!!!! hahahahahahaha

Yun iba naman maghahanap ng PANAKIP BUTAS/REBOUND which is not advisable kasi lalo lang lalala ang sitwasyon, may mga tao ka pang masasaktan at idadamay para mawala lang yan sakit na nararamdaman mo.

CHAPTER II:

Kaya ang tanong ng bayan… anu-ano ba ang mga paraan na makakatulong kahit konti, para tulungan ang sarili mo na makapag move-on?

CHECK THIS OUT!!! You’ve broken up with your significant other. Now what? Do you jump into work? Or ja-jump ka sa San Juanico Bridge?? Get a hobby? Go out with someone else right away? OOPS!! Hinay-hinay lang…. Here are some tips to help you out.

1. Umiyak ka - Iiyak mo lang, hindi masama umiyak, pag sobrang sama na ng loob mo, minsan masarap umiyak, kahit lalaki ka pa umiyak ka lang, kahit MUKHA KANG BOUNCER, SUMO WRESTLER, BODYGUARD O MGA DAMBUHALANG MGA NILALANG KAHIT HINDI BAGAY SA’YONG UMIYAK…. UMIYAK KA PA DIN!!! MAGTAGO KA SA C.R.!!! TAPOS PAG NAHULI KANG LUMULUHA SABIHIN MO PINAGPAPAWISAN LANG YUNG EYEBALLS MO KASI GLOBAL WARMING NA!!! O KAYA NAKALUNOK KA NG ISANG TIMBANG SUKANG PAUMBONG O KAYA NAG-GAYAT KA NG ISANG KILONG SIBUYAS KASI GAGAWA KA NG KILAWIN!!! Hahahahaha!! CRY ng CRY until you die!! Nakakagaan yun ng pakiramdam. Syempre sa tagong lugar ka umiyak or sa mga friends mo. Minsan masarap pag may humahagod sa likod mo habang umiiyak ka at habang tumutulo ang UHOG mo sige I-BLOW mo lang ng I-BLOW tapos DO THE HAGOD!!! SA LIKOD HA!!! At tiyak ko pagkatapos mong umiyak luluwag ang naninikip mong dibdeb!! I, THANK YOU!!! BOW!!

2. KUMANTA KA!!!! - Madalas nagvi-videoke ang mga SAWI, dun nila nailalabas ang mga sama ng loob nila, mabenta dyan ang mga awiting “SAAN, SAAN AKO NAGKAMALI?” sabay maglalakad-lakad ng dahan-dahan at titingin sa malayo matapos basahin ng tipid ang lyrics sa videoke…

MARAMI SILANG TAWAG DYAN, (BIDYO-OKE, BEB-JU-KI- at VIDEO-OKAY??) at hindi ko lubos maisip kung saang wika nila isinalin-salin ANG SALITANG yan!! BAKA HANGO SA WIKANG BANYAGA NG MGA DUGONG BUGHAW na BRITON at PRANCES na tubong Jaro Iloilo, kung paano nangyari ang mga iyon ay hindi ko alam problema na nila yun bahala sila sa buhay nila!! Basta may kumakanta na tono lang ang sinasabayan, mali-mali ang lyrics, medyo IS-LENGG pa minsan pero baluktot naman talaga ang dila at ang pagkaka-slang ng mga hayup habang tinitingnan pa kung nagana ang mic nila kaya panay ang HELLO.. HELLO.. pero tamang pa-kyut lang naman habang kinakanta ang….

“WELKAM TU DI HOWTELLL KAL-LI-PORN-NYAAAHH!!! SATZ A LABLI PLEYZ, Hello? Mic test! Hello?! SATZ A LABLI PLEYZ!!”

at parang may namatayan o nasusunugan ng bahay habang sumisigaw ng bongga sa mic ang mga HIJO DE POOOTAH!!!

at ang isa pang kanta na nabasa ko sa KAPITAN SINO ni BOB ONG na nakakatuwang kantahin kasi TAGALIZED NG KONTI ANG LYRICS….

“Nating sgona change my lab por you, YOU KNOW NAMAN MY LAB how much I lab you, deworld may change my whole layp tru but nating sgona change my lab por youuuuuu!!!!”

Hahahahaha!!! PARANG TANGA LANG DI’BA?? Pero ang mahalaga nailalabas nila ang hinanakit nila sa matinding imbensyon ng mga taga RAON, QUIAPO at ARRANGQUE boys ang inasembol na VIDEOKE MACHINE!!! At eto ang pinakamatinding tanong na itatanong sa inyo. . . .

ARE YOU HAVING FUN?!

-(laging lumalabas sa videoke machine screen bago iskoran ng 100 points ang TALENTADONG MANG-AAWIT kahit na alam naman ng lahat na mas sintunado pa ang boses nya sa BAKLANG NAIPITAN NG LITED sa pagkanta ng MY WAY!!!) Hala kayo!! Pagkatapos nyong kantahin yang My Way eh baka paglamayan na din kayo ng di oras!!! Agawan kasi ng agawan sa mic eh!! Akala ko ba mga Badap lang ang nag-aagawan sa mic?!! LOLS!! (^^,)

3. Accept the Reality - Accept the fact that the relationship is over. Do not give yourself unrealistic fantasies that you might get back together one day. Respect the fact that the relationship had it’s time, but has no ran out ways to work. This was a chapter in your life that has now closed N’ you are now ready to grow N’ enter another chapter of your life. Kagaya lang din yan ng sinabi ko sa mga ibang blogs ko eh… “REALITY BITES… MINSAN MAY RABIES PA!!!”.

4. Develop new skillz or learn some new skillz - Focus mo na lang ang atensyon mo sa ibang bagay, tulad ng pag aaral ng bagong skill, pwede ka ding mag-blog katulad ng ginagawa ng “inyong lingkod” EHEM!!!, or mag-aral kang mag-drive, mag-aral kang magluto kung di ka marunong.. that way makakalimutan mo na yung misery mo, may bago ka pang natutunan!! Libangin mo sarili mo.. Meaning wag kang mag focus sa kakaisip sa heartache mo, kasi the more na iniisip mo lalo ka lang mahihirapan.

5. STAY AWAY FROM HIM/HER - The best thing singles can do immediately upon a breakup is to get rid of all those sappy, sentimental items you have laying around. That means deleting his/her number from your cell phone, dapat lang pati number nya burahin mo na sa phone mo, para hindi ka na ma-tempt na i-text s’ya. Lahat ng memories nya itapon mo na kung gusto mo mag move on… “TEKA PARANG LUMALABAS KUNSINTIDOR PA AKO AH??” haha! Kasi the more na nakikita mo mga gamit nya, maaalala mo pa din sya, Kaso yung iba dyan binura na nga yung number PERO KABISADONG-KABISADO PA DIN NAMAN!!! Hehe!! Basta kung gusto mo maka move-on dapat lahat ng bagay na nakakapag-paalala sa kanya iwasan mo na, ERASE… ERASE… ERASE… or ibigay mo sa basurero yung mga pictures of you two together, N’ tossing all the cards and letters na parang CONFETTI LANG SA MAKATI AVENUE PAG MAY RALLY!!!! Hahahaha!!! Keeping those items will only serve to put you in a state of prolonged nostalgia. One day down the road you might look back fondly at the times you had with your ex. But until you can gain the clarity to see your relationship objectively, don’t torture yourself with constant reminders. Allow yourself to be angry and sad in a healthy way aight?! It’s the gangster tawkin yo!!

6. Free will - Sarili mo lang ang makakatulong sa’yo. Dapat kung gusto mo kalimutan ang isang tao, meron kang sapat na kakayahan na gawin yun. Dapat talagang gusto mo. Kasi kahit sundin mo lahat ng sinasabi ko kung hindi ka pa ready, USELESS lang din.. ndi ka talaga makakamove on. Lahat may rason, kaya dapat may rason ka din bakit mo gusto gawin ito.

7. Love yourself - Para masabi mo sa sarili mo na karapat-dapat kang mahalin, mahalin mo muna sarili mo. Paano ka mamahalin ng tao kung sarili mo ayaw mo? ilang beses ko na sinabi yan di’ba? Inuulit ko lang para di mo makalimutan!! Love yourself ika nga, magpaganda/magpagwapo ka. Improve yourself. Tapos ngumiti ka.. yan ang pinakamurang pangpaganda/pangpagwapo. SMILE!!!! ;)

8. Keep yourself busy - Ituon mo ang sarili sa career, sa studies (matutuwa pa parents mo nyan), mga extra curricular activities… Maganda ma-involved sa sports or mag join ng iba’t-ibang club, siguradong makakakilala ka ng mga taong kapareho mo ng hilig at curiosity. Kung pansin mo naman na tumataba ka na or kailangan mo mag gain ng weight punta ka sa gym or try aerobics.

9. Stay more close to your family - Maging open ka sa kanila at ilabas yung sakit na nararamdaman mo. Alam nila anong makakabuti sa’yo at handang magbigay ng advice na tiyak kong makakatulong sa nagdurugo mong puso!! * anobaah! :D *

10. Be with your friends - // DRINKING SESSION // CHILL-OUT // GUMIMIK // SLEEPOVERS // MALLING // SHOPPING // WINDOW-SHOPPING (mamili ng mga bintana) // Kadalasan nakakalimutan natin sila o di kaya hindi na nakakasama tulad ng dati na wala ka pang karelasyon or ka M.U. or nakakamabutihang-puso, Pero true!! Kapag nawala na si bf/gf, si friend nandyan pa din, AKO NANDITO PA DIN =) sasalo sa’yo at handang dumamay sa ano mang hinanakit mo.

11. BLOGGING - Pwede mong ilabas yung mga saloobin at mga nararamdaman mo dito, pwedeng mga experiences mo sa LOVE etc. and I’m sure makakatulong ka pa sa iba na makakabasa ng blogs mo! HAINAKU PARANG KILALA KO YANG TAO NA YAN!! wushu!!! achu-chu-chu!!! =p

12. Subukan mong gawin ulit yung mga bagay na kadalasan mong ginagawa noon nung wala pa si ex-bf/gf - I’m sure may ilan sa kanila na super nag-eenjoy ka noon pero dahil nga sa masyadong natuon ang time mo sa bf/gf mo eh ‘di mo na nagawa pa.

13. Focus on You - Take some time to get to know yourself again before you get involved with someone else. Know what you really need and deserve and what you are ready to give another person. When you are sure about what you are willing to give and to receive, you will be able to find a partner who will suit you well. Treat yourself. Help yourself by getting a new outfit, haircut or make-over. The old saying is true, you feel better when you look great. It is also a wonderful spring board to getting back in the dating pool.

14. Learn from It - Everything is a learning experience, so use it your advantage! Look over your relationship N’ list what went good about it N’ what went wrong. Para lang yang… “Saan, saan ako nagkamali??” LOL!! Use these notes as a tool to improve your relationships skills. Life can seem like a pretty bleak place when you’ve just weathered a break up. But keep in mind, the relationship with your ex is over for a reason: you weren’t right for each other. That means the one absolutely perfect for you is still out there. Kung babae ka… malay mo AKO NA YUN!!! yiheeee!! ( kapal! ) at kung lalake ka.. it’s my bad!!! Sorry all circuits are busy now… hindi ako pumapatol sa kapwa ko barako kaya please try your call next summer!!! Oh well, N’ picture the right person for you and the kind of relationship you want out of life. Remember, you deserve to be happy. Know when it’s time to date again. When you’ve given yourself enough time to work through your emotions, then you can begin to date again. The amount of time needed for this varies with the people involved and the specifics of the relationship. Gage emotions about your ex honestly, and if you’re not overcome at the very thought of them, work on meeting new people. Aim for a state of indifference. In other words, it’s okay to get a slight twinge upon seeing your ex; it’s not okay to suddenly want to throw a plate at their head. Tsk tsk tsk that’s baaadd!!

15. Never Generalize - Madalas kong sinasabi sa mga blog ko ‘to!! Wag ninyong ISISISI SA LAHAT ANG PAGKAKAMALI NG ISA!!! Going through a break up does cause you emotional withdrawal N’ pain, which may cause you to generalize everyone you meet or choose to date. Keep in mind that everyone is an individual with their own unique qualities N’ personalities and your encounters with them will not carry the same experiences as your ex-relationship. Now that’s what I’m tawkin’ about!!

16. Flirt and date, (KUNSINTIDOR TALAGA ANG LOLO MO!!!) But don’t rebound - What’s the difference, you ask? When you flirt and date, you open yourself up to new people and to the possibility of love. When you rebound, you immerse yourself immediately into a new relationship that isn’t exactly right in an attempt (sometimes consciously, sometimes unconsciously) to distract yourself from your pain.. says duane =)

17. Feel the sadness AGAIN - Dang!! I know, I know! You’ve cried about your ex enough o’ready. Unfortunately, discovering that he or she is dating somebody new is bound to re-open your wound, YIKES!!! No matter how “over it” you thought you were. This is normal. Allow yourself to experience the pain once again. The good news is that this blow won’t last nearly as long as the one right after the split.

18. Stay Healthy - Eat right, Stay Fit, Exercise, Work out, Hit the gym thrice a week or everyday depende sa schedule mo. Get enough sleep. In short, don’t let the break up make you physically sick, nah mean??! When your body is healthy, you feel good. When you feel good, you make good decisions and have a healthy self-esteem. Picture the day when you’ll be happy again.

19. Wish your EX well - Be happy that he or she has found love again. After all, this is somebody who has meant a lot in your life. You should want happiness and love for your ex. You will have happiness and love again too, so there is no need to be bitter. Chalk it up to fate, they say that timing is everything. They say that if two people are meant to be together, they will be together. If your ex has found a better match for him or herself, then you too will find a better match for yo’self.

And last but not least sa mga nabanggit ko;

20. Maging mas malapit kay God. Magdasal ka - Getting over with someone is a tough one pero sureness madali kang makakapagmove on kung meron ka nito! Humingi ka ng strength sa MAYKAPAL para kayanin lahat ng pagdadalamhati mo. Without the help of God we can’t do nothing sabi nila. Thank him, kahit sa heartaches pasalamatan mo sya, tapos magsumbong ka sa kanya, lahat ng nararamdaman mo sabihin mo sa kanya. Magugulat ka na lang dahil pagkatapos mo mag-pray ang gaan na ng pakiramdam mo.

Hindi naman ito mahirap gawin basta ba ready ka na mag move-on! ;)

CHAPTER III:

Minsan kasi may mga bagay na kahit anong gusto nating manatili sa buhay natin, kahit anong panalangin o pag-iyak ang gawin mo kung talagang hindi para sa’yo wala kang magagawa. Maglumuhod ka man araw-araw, magpakabuti para lang maisakatuparan ang bagay na ninanais mo pero sa di inaasahang pagkakataon di pa rin pwede. WACHU GON’ DO??

Bakit ba ang hirap tanggapin na kung ano pa yung pinaka gusto mo eh hindi talaga pwedeng maging sa’yo. Yung isang bagay na pinanghahawakan mo dahil yun lang ang pinakamagandang alaala na nangyari sa’yo tapos yun pa ang mawawala. Iiyak ka sa isang tabi (P.T.L.) na Parang Tanga Lang, kahit hindi mo isipin parang nang-aasar na yun pa rin palagi ang sumasagi sa isip mo. Pilit mong nilalabanan ang sarili mo na wag magpatalo sa emosyon mo pero… parang isang sirang plaka ng DJ na sumasagi sa isip mo na wala na.. hindi na pwede.. tapos na.. bumitaw ka na..

Mahirap.. kahit parang unggoy kang naka-kapit sa sanga kung yung sangang kinakapitan mo ay nabali na.. ang sabi nang iba, kung mabali man ang sanga itatali daw nya uli yun para lang makakapit ka uli.. pero diba pag nabali na ang sanga.. mamamatay na rin ito… kahit pa itali mo sya..

DRAMARAMA talaga ang tema ng blog ko pag seryosong pag-ibig ang napapag-usapan, senting-senti, EMO, kaya AMBOT SA EMO!!! Lungkutan talaga, hindi kasi yan mawawala sa isip mo kaya kelangan mo ilabas. Para kang mawawalan ng hininga kasi yung bagay na pinahahalagahan mo nagkaroon na ng katapusan. Hindi na pwede.. kaso mahal na mahal mo yung tao na yun? Pinipilit mong magpakatatag pero..

BAKIT ANG ISIP PARANG MAS MATALAS PA SA KUTSILYO KUNG MAKASUGAT?? korak!!!

Minsan mas gugustuhin mo na lang matulog palagi para yung sakit hindi mo maramdaman.. o much better sana hindi ka na lang magising para tapos na ang paghihirap mo.. pwes IPAPALIBING KITA!!! hahaha!! Biro lang!! Mahal na din pala magpalibing ngayon kaya itatapon na lang kita sa ilog Pasig!!

Pero kung ganon naman ang gagawin mo.. lalabas kang DUWAG.. ang hirap makipaglaban sa utak at puso.. para mabawasan ang sakit umiinom ka ng alak.. nilulunod mo ng alak yung lalamunan mo.. araw-araw sunod-sunod.. pero bakit pag nahimasmasan ka nandun pa din ang sakit.. kahit isang baldeng luha na ang iniyak mo bakit andun pa din yun katotohanan na wala na..

Pero, tinatanong mo sa sarili mo na.. ano nga ba talaga yun nagti-trigger ng sakit sa atin? Iyon bang pagtanggap na talo na tayo wala na tayong magagawa dun..or yung EGO ba.. o yung pagtanggap ng katotohanan na lahat ng mga alaala ay mababalewala na. Pero kung ano pa man ang dahilan andun pa din ang sakit.. DAYM!!! Sakit na kelangan mo na ngang mag let go.. kahit mahirap kelangan mong maging matatag.. dahil kelangan mong tanggapin na walang permanente sa mundong ito.. lahat kumukupas.. lahat nagbabago.. at ang tangi mo na lang magagawa ay ang pagtanggap.. pagbitaw.. at pagpaparaya.. hindi ba mas masarap yung pakiramdam na nagpapatawad ka.. yung kahit masakit sa puso mo.. wala ka namang magagawa .. imbes na isumpa mo yung tao o magalit ka.. hindi ba mas maganda kung mag-wish ka para sa tao ng mabuti.. dahil minsan may pinagsamahan din kayo.. at lalo pa minahal mo s’ya.. mahirap magparaya.. pero balang araw alam ko na may mga pintuan na magbubukas para sa katulad mo, sa kanila, sa atin, sa akin, ako… AKO MISMO?? Kase ikaw namiss ko =p ANG KORNIII MO!!! Waaahh!!! PARANG AKO LANG AH!! PARANG AKO LANG ANG MASAYA AH!!! Hahahahahaha!! Anak ka ng EMO ka!!! BAKIT HINDI KA PA NAGLASLAS?!! =p

Speaking of LASLAS, may ibang mga tao na matindi ang DEPRESSION NA NARARAMDAMAN SA KATAWAN, ibang klase yon, yun yung mga READY TO DIE na talaga ANYTIME at makakita lang ng kahit ano na pwedeng lagukin.. Halimbawa: Makakita lang ng SHAMPOO… eh TATAGAYIN NA NYA KAAGAD YUN KAHIT WALANG CHASER na KLOROX O KAYA PULUTAN NA BLADE, or LSD… (Lason Sa Daga…. yung Dora Rat Killer ginagawang mani!), minsan pa nga ang iniinom MURIATIC ACID, LIQUID SOSA, THINNER, ALCOHOL AT IBA PANG MGA LIKIDO NA NAKAMAMATAY PAG NILAGOK, kadalasan itong may nakalagay sa label nito na “KEEP OUT OF REACH OF CHILDREN” eh putcha paano naman yung mga hindi na “CHILDREN” at MATATANDA na kaso DEPRESS na gustong inumin ito?? Kailangan pa din na HINDI NILA MA-REACH ang produktong iyon kasi PATAY KANG MATANDA KA PAG NAGKATAON NA TOPAKIN KANG MAGPAKAMATAY!!! PWES!!! ITIGIL MO ANG KATARANTADUHANG YAN!!! Pagkatapos mong lunurin ang sarili mo sa ALAK… yan naman ngayon ang tinotoma mo!!?? Pinapa-shot ka ni KAMATAYAN tapos IINUMIN at TUTUNGGAIN mo naman?? Masaya ka!! TANDAAN MO KAPAG NAGPAKAMATAY KA, PAPATAYIN KITA!!! =p

Ang dami-daming tao na GUSTONG GUMALING DAHIL SA MGA SAKIT AT KARAMDAMAN NILA PERO SA KASAMAANG-PALAD AYUN… NAKARATAY PA DIN SILA SA OSPITAL AT NAGHIHINTAY NG MILAGRO, swerte pa nga pag nasa ospital, eh yung iba nasa bahay lang… at hinihintay na lang ang katapusan ng buhay nila, tapos ikaw, MALUSOG, KUMAKAIN NG TATLONG BESES SA ISANG ARAW, NAKAPAGTAPOS NG PAG-AARAL, MAY MAGANDANG TRABAHO, BUO ANG PAMILYA AT MADAMING MGA KAIBIGAN AT KAMAG-ANAK NA NAGMAMAHAL AT HANDANG DUMAMAY, MAY BAHAY NA MASISILUNGAN, PA-INTERNET-INTERNET PA (”,) *KASI SYEMPRE PAANO MO MABABASA ITONG SINUSULAT KO NGAYON DI’BA?? EH NASA INTERNET ‘TO!!! HAHA!! PILOSOPONG KANGKONG DIN AKO EH NOH??!* Tapos ikaw…!?!?! Nang dahil lang sa iniwan ka ng isang tao na hindi ka na naman kaya mahalin at ipaglaban eh KIKITILIN mo ang iyong buhay ng ganun2x na lang?? OH C’MON!!! DON’T GIVE ME THAT SH!T!!! Ang daming humihingi ng chance para mabuhay dito sa mundo tapos ikaw tapon ka lang ng tapon?! Suicide ka lang ng suicide?? Anong gusto mong patunayan dun sa NASA ITAAS?? TAO ka lang, at nilikha ka ng DIYOS, s’ya ang nagbigay ng buhay sa’yo kaya s’ya lang ang may karapatan na BAWIIN yan, tandaan mo… ang buhay ay isang malaking pagsubok..

BIGYAN MO NAMAN NG HALAGA ANG BUHAY NA IPINAGKALOOB SA’YO, UULITIN KO… alam mo bang maraming nangangailangan nyan… tapos ikaw tinatapon mo lang!!! TAPON KA LANG NG TAPON EH HINDI NAMAN BASURA YAN…. sa totoo lang mapalad ka pa nga eh, kasi ang pino-problema mo lang ay ang…. “PAGMAMAHAL MO SA TAONG HINDI KA NA NAMAN MAHAL”…. Tingnan mo yung mga bata at ibang mga tao na nasa lansangan, yung mga nagkakalkal ng BASURA sa PAYATAS o kahit saang lupalop pa, yung mga kumakain ng TIRA-TIRANG PAGKAIN NA KADALASAN AY NASA BASURAHAN PA AT PUNO NG MIKROBYO, yung mga taong grasa, yung mga taong walang masilungan at yung mga tao na PERYODIKO lang ang ginagawang KUMOT upang hindi maramdaman ang lamig sa magdamag, SA TINGIN MO MAIISIP PA NILANG PROBLEMAHIN YUNG MGA GANYANG DRAMA?? Ang buhay nila ay ISANG NAPAKALAKING DRAMA na at hindi na nila kailangang idagdag pa yan sa mga iniisip nila, hindi na nila iniintindi yang MGA GANYANG BAGAY TUNGKOL SA PAGMU-MOVE-ON MOVE-ON NA YAN, nagpapatawa ka ba?? BAKA MAMAYA PAG TINANONG MO YAN NG… “eks-kyus mi po, paano nga ba talaga mag move-on??” baka eto lang ang isagot sa’yo nun at mayare ka lang…

“ANONG MU-BON MU-BON PINAGSASABI MO DYAN?? HINDI PA’KO NANANANGHALIAN BAKA SIPAIN KITA DYAN, LUMAYAS KA NGA SA HARAP KO AT BAKA IKAW ANG KILUHIN KO DYAN!!!!”

HAHAHAHAHAHA!!! TATLONG ORAS KITANG PAGTATAWANAN!!!

Baka ikaw pa ang gawing SUBSTITUTE sa bakal nyan na ipapakilo sa JUNK SHOP sa asar sa’yo!! (^_^)

Nakita mo, hindi na nila po-problemahin yung USAPANG PAG-IBIG PAG-IBIG na yan, ang PAG-IBIG para sa kanila eh yung mayroon silang pantawid gutom at masisilungan sa buong magdamag, pinoproblema nila kung saan sila makakahanap ng pagkain at kailangan nilang maka-survive sa isang buong maghapon na naman, at ang “BUKAS” na naghihintay para sa kanila ay isang matinding “ADVENTURE” na naman, di ka ba bumibilib?? At walang balak magpakamatay yang mga yan, lalaban at lalaban yan… BY HOOK OR BY CROOK!!! Yan yung mga tinatawag na MATITIBAY ANG LOOB, eh MATIBAY ka din naman eh!! MASYADO KA LANG NAAAWA SA SARILI MO!!! Sige nga kung ikaw ngayon ang malagay sa kalagayan nila na halos hindi mo na alam kung saan kukuha ng pagkain sa araw2x baka maghikahos ka, baka sumuko ka… baka isumpa mo ang FIRST 3 MINUTES NG PAGIGING HAMPAS-LUPA, pag andun ka na sa sitwasyon na yun TRUST ME… pinagdaanan ko na yan… hindi mo na maiisip ang mga “MUSHY” things na yan!!! hahaha!! Nung AKO ang nasa kalagayan na halos hindi ko na alam kung saan kami hahanap ng makakain naming magkakapatid hindi ko na muna inisip ang PROBLEMANG PAG-IBIG na yan, inisip ko na may MAS IMPORTANTENG BAGAY ako na kailangang intindihin bukod dun, at yun ay ang MABUHAY na hindi kumakalam ang sikmura, malayo sa sakit at kumpleto ang pamilya… “MABABANGONG BANGUNGOT”….. BONUS na lang yung mga susunod na biyaya, solb na’ko ng ganun nah mean?? Kaya wag mong sayangin ang buhay mo, magpapakamatay ka para lang makalimot?? “CONDOLENCE” na lang ha!!! Kasi “NAMATAYAN KA NG PAG-IBIG”, wag mong ILIBING ANG SARILI MO, ILIBING MO ANG MASASAMANG ALAALA NG KAHAPON NA MAGDUDULOT SA’YO NG KAPAHAMAKAN, wag mong dibdibin yan kapatid. Look, ALL I’M TRYING TO SAY IZ….. ANG DAMI-DAMING NAGPAPAKAHIRAP AT GUSTONG MABUHAY SA MUNDO TAPOS IKAW MAGPAPAKAMATAY LANG?? ANG DAMI-DAMING TAO ANG BUMIBILI PA NG MGA MAMAHALING GAMOT PARA LANG MADAGDAGAN AT HUMABA PA KAHIT KONTING-KONTI ANG BUHAY NILA, TAPOS IKAW ni Sakit sa Kuko wala kang nararamdaman at HEALTHING-HEALTHY KA PA TAPOS YUNG BUHAY MO PINAIIKLI MO LANG?? WTF??! THINK ABOUT IT….. kung tutuusin napaka-simple ng problema mo kumpara sa mga taong nabanggit ko… at mas marami pang ibang tao na mas malala pa ang problema kaysa sa’yo… pero hindi nila iniinda ang kanilang suliranin at ni hindi man lang nila naisip kitilin ang buhay nila, tapos ikaw??! Nang dahil lang dyan sa NAUDLOT na “TOTAL KILIGNESS LOVE STORY” nyo eh susuko ka na agad? HINDI PAGPAPAKAMATAY ANG SAGOT SA PROBLEMA MO!!! Sige ka, sa tingin ko pag nagpakamatay ka mas malungkot… ligaw na kaluluwa ka na lang, wala kang makakausap, di ka na makakagimik (AMBABAW NG DAHILAN AMPOTAH!!), habang panahon ka ng malungkot at nagsisisi na sana hindi ka na lang nagpakamatay, saka mo na lang mari-realize at iwi-wish mo na siguro na kahit ISANG MILYONG HEARTBREAKS pa tatanggapin mo, wag ka lang MAI-STUCK sa lugar na yan ng KAWALAN…. Ngayon ay nababalot ka ng pagsisisi, NAKAKABINGI ANG KATAHIMIKAN, MADILIM, MALABO, MALUNGKOT, WALANG PATUTUNGUHAN, WALA NG MAKIKINIG NA KAIBIGAN SA PAULIT-ULIT MONG HINANAKIT SA MINAMAHAL MO NA ANG TANGING GINAWA AY ANG SAKTAN ANG DAMDAMIN MO, AS IN ZERO…… Infinite Sadness!!! Yikes!! BINIGYAN KA NG BUHAY….. PANGALAGAAN MONG MABUTI, USE IT WISELY….. Hindi yung… MAKIPAG-BREAK lang at IWAN ka ng KASINTAHAN o ASAWA mo eh…

- MAGBIBIGTI KA NA

- MAGPAPASAGASA KA SA TREN O SA BUS

- TATALON SA TULAY

- MAGPAPAKAGAT SA ASONG MAY RABIES

- MAGPAPATUKLAW SA COBRA

- O IPAPATUKLAW MO ANG IYONG COBRA SA BAKLANG MAY HIV/AIDS POSITIVE at FOOT & MOUTH DISEASE

- MAGBABARIL SA ULO, SA BUNGANGA, SA LALAMUNAN etc. ( deep throat style. )

- IPAPAKAIN ANG SARILI SA MGA LEON

- IPAPAKAIN ANG SARILI SA MGA TIYANAK ( Oh my God ang anak ni JANICE!! )

- IPAPAKAIN ANG SARILI SA MGA CANNIBALS NA GUMAGAMIT NG KUTSARA AT TINIDOR

- MAGPAPAKALUNOD sa DAGAT, sa ILOG, sa SWIMMING POOL, sa DRAM, sa BATHTUB, sa KIDDIE POOL, sa TASA!!!

- SUSUNUGIN ANG SARILE SA LOOB NG OCEAN PARK

- PASASABUGIN ANG SARILE SA PAMAMAGITAN NG MAGIC BOMB

- TATALON SA PAGKATAAS-TAAS NA GUSALI (PAG BUMUKAS ANG PARACHUTE TAKE 2 TAYO!!!)

- IPAPAHILA ANG KATAWAN SA RUMARAGASANG SASAKYAN NA PARANG SA PELIKULA LANG NI LITO LAPID

- GAWA NA’NG BALA NA PAPATAY SA’YO

- IPUTOK MO, DADAPA AKO

- IYO ANG TONDO, SA AKIN ANG CAVITE (clear copy)

- DITO SA PITONG GATANG (pirated)

- PAPATAYIN ANG SARILI SA KILITI =)

- KILITI ( triple xxx tagalog movie )

- AT BAGO KO MAKALIMUTAN ANG MGA IBA’T IBANG KLASENG LIKIDO NA INIINOM PARA
MAGPAKAMATAY KATULAD NGA NG MGA SINABI KO KANINA SA TAAS: KLOROX, SHAMPOO, GAAS, DIESEL, UNLEADED, PREMIUM. Sosyal ka ang mahal mahal ng gasolina iinumin mo lang LECHE KA!!!!

Kaya nananawagan ako sa mga gumagawa ng mga produktong ito… sa susunod naman ho eh baka pwedeng may FLAVORS na yung mga binebenta nyong MURIATIC ACID, THINNER, LIQUID SOSA AT ALCOHOL, wag nyo na isali yung KLOROX kasi may SAMPAGUITA FLAVOR NA YUN at saka SUNSHINE FRESH at take note MAY KALAMANSI FLAVOR pa!! ZOZYAL!!!! Sana sa susunod may HOT & SPICY flavor na rin, haha!! Also Available In Different Flavors: Strawberry, Orange, Menthol, Dalandan, Honey Lemon, Durian, Melon, Aratiles, Kalabasa, Afritada, Narra & Pandan. For Orders Pls. Call 843-82-31. All Rights Reserved. See Posters And Print Ads For Details.

ACKNOWLEDGEMENTS:
- DRA. VIVIAN SARABIA *dahil “SA TINGIN” ko’y kakailanganin ko na ang tulong ng mga salamin nya sa mata dahil lumalabo na ang “PANINGIN” ko kaka-kompyuter!!!*

- BISUTO PRAWN CRACKERS (pinapasingit lang ni Kuya Germs)

- LAHAT NG GIMIKAN NA INI-EMCEEHAN KO, KAYO ANG LAKAS KO!!! (The Ka Limot Power!!!) hango sa palabas ni bossing VIC SOTTO, AIZA SUEGERRA at PANCHITO na TWINS: Ako si Ikaw, Ikaw si Ako-The Underground Partyman.

- DRA. VICKI BELO of BELO MEDICAL GROUP *dahil “MUKHANG” kakailanganin na ng “MUKHA” ko magpa-derma dahil sa mga sumusulpot na pimples kakapuyat ko sa pagsusulat ng mga blogs na i-re.*

- MY WORDPLAY it keeps better N’ better baby!!!

- SA MGA BABAENG “MALALABO ANG MATA” NA NAGBIBIGAY SA’KIN NG…. BUFFET OF FLOWERS este BOUQUET OF FLOWERS PALA, LALO NA PAG AKO AY NASA DJ’s BOOTH… HAHAHAHAHA!!!! PARANG BALIKTAD YATA, HINTAYIN NYONG AKO ANG MAGBIGAY NG CHICHARONG BULAKLAK SA INYO MGA BINIBINI.. (Choosy Ka Pa HUh!?!!?) DON’T WORRY HINDI NAMAN LUMALAKI ANG ULO KO EH… MAY KASABIHAN NGA SI M.C. DUANE NA “Di bale nang LUMAKI ang ULO sa BABA…… WAG lang ang ULO sa TAAS!!!!!” hahahahahahaha!!!!

- SA MGA NAGPAPA-PRINT NG MGA BLOGS KO DAHIL MAS MASARAP DAW BASAHIN SA PAPEL KASI NAKAKALABO daw NG MATA ang mga “UV Rays” na dulot ng MONITOR ng PC (kaya parang pocketbooks ang blogs ko na tigsasampung piso ang renta sa komiks stand.) IM-PER-NESS nakaka-flattered!

- AT SA MGA WALANG SAWANG NAGBABASA NG MGA KATARANTADUHAN KO ( Hikbi ). Kahit magang-maga na ang mga mata nyo kakabasa ng BLOG-GAGS KO ( BLAGAG!!! ) eh nandyan pa rin kayo, at nandito naman ako… AYLABYU OL!!! O di pa tayo tapos ha….. nag-commercial lang tayo! Oo mahaba talaga ‘tong BLOG ko!! Simple lang naman ang solusyon dyan kung magrereklamo ka, eh di wag mong basahin di’ba? Kaso sa mga oras na ito habang binabasa mo ngayon itong sinusulat ko eh halos patapos na din 2 eh kaya tapusin mo na din, haha! Nag-warning naman ako sa simula pa lang di’ba??

- And last but not the least, kay lambing dahil kundi dahil sa kanya hindi mabubuo ang mga pinagtagpi-tagping mga salita sa blog na ito at lalong lalo na sa nanghack nang lahat ng friendster accounts ko (sarcastic ako) ikaw ang nag-suggest na gawin ko ito, pinagkatiwalaan kita, akala ko pa ikaw si lambing yun pala ikaw ay praning wala na tuloy ang friendster page ko na nagni-ningning.

Maraming Salamat po sa inyong pagtitiwala!!!

(NOW BACKKK TO YOUUUUU, MELLLLLLLLLLLL!!!!-mike enriquez.)

NOW BACK TO REALITY:
(Just like Eminem’s verse on 8 mile’s soundtrack: Loose Yo’self)

Ngayon siguraduhin mo na sana na wag nang maapektuhan sa mga bagay na nangyayari sa iyo.. sa pag ibig na hinawakan mo nang mahigpit.. ayaw mong magpatalo sa emosyon mo eh.. kaya sumusuko ka na.. pero hindi ibig sabihin na duwag ka.. ibig sabihin nito ay natututo ka nang tumanggap ng pagkatalo.. ibig sabihin na yang dumating sa buhay mo ay isang PAGSUBOK.. CHALLENGE sa buhay na kahit apak na apak na ang pagkatao mo.. natuto ka pa din ngumiti, lumaban.. maging matatag.. at.. maalala ang NASA ITAAS.. napakasarap ng pakiramdam yung walang-wala ka nang lakas .. mananalangin ka sa kanya.. walang kasing sarap nang pakiramdam. Hindi habang panahon eh magdadalamhati ka TANGEK.. oo magdalamhati ka mga ilang araw.. pero kelangan mong bumangon sa pagkakadapa ( O DBA? ayan na naman ang walang kamatayang kasabihan na yan?! IT NEVER GETS OLD Man, IT NEVER GETS OLD!!! ) at iyon ang gagawin mo ngayon.. babangon ka.. at magpapakatatag pa!!

ANO BA YAN? PURO PAGPAPAKATATAG?! at PURO SUMBUNGAN NA LANG!?! PAULET-ULET!!!
( hahaha syempre! kelangan ko kase ITATAK sa KUKOTE mo yan! )

*Hmmm teka, shucks!!! bakit ko kinakausap ang sarili ko?! syettt!! malala na’to!!!*

ENIWEIZ,

May bukas pang naghihintay sa’yo kapatid..

Lemme tell you sumpin… I think that the only reason people hold onto memories so tight is because memories are the only things that dont change; when everybody else does.

I’ve learned that things change, people change, N’ it doesn’t mean you forget the past or try to cover it up. It simply means that you move on N’ treasure the memories. Letting go doesn’t mean giving up… it means accepting that some things weren’t meant to be. SEE WHAT I’M SAYIN??

Kaya mo yan! I’m sure pag inabot mo ang chapter ng binabasa mo ngayon na’to eh magang-maga na ang mga mata mo…. at halos may idea ka na kahit konti kung paano gagawin yung mga INSTRUCTIONS sa pagmo move-on, kaya WINNER ka!!!

ENIWEIZ, Basta I can say na you’ve finally moved on pag wala ka ng bitterness towards that person…

Time heals…basta just have faith in God.. He will help you ease the pain and eventually, you’ll be able to face the world again with a SMILE… =D

Masarap din kase sa pakiramdam na kapag naka get over ka na, you’ll finally be able to wish that person well, kahit ba nasaktan ka nya…

after all, you are who you are right now because of your past… so if you feel that you’re a stronger, better person now, it’s because of the pain he/she caused you…

Just always look at the brighter side of things and you’ll be fine… believe me… nuff said.

ya wanna know the reason why I write blogs like this?



‘coz sumtymz… G’s need love too (^^,)
we hella tired of gangbangin’ N’ shyt… see what i’m sayin??



Respectfully Yours,

M.C. DUANE ( The Heartbreak Kid. )

**********************************************

hahaha! :)

No comments: