Thursday, March 12, 2009

push button to eject fraca--

sobrang lungkot ko ngayon, sa mga araw na ito. nakakapagod. nakakawala ng gana... gana para sa buhay. kunsabagay, kasalanan ko rin naman... kasalanan ko kasi di ko kinukwento kung ano talaga ang bumabagabag sa akin. mahirap kasi magkuwento sa isang tao na alam mong hindi tunay na makikinig or sa taong hindi makakaintindi. marami namang pwede sabihan, pero siguro sakim ako in that sense dahil gusto ko akuin lahat ng bigat ng buhay.

isa pa, kahit kaibigang tunay mo pa yan, hindi ganon kadaling aminin na malungkot ka or may issues ka. haha! dahil lagi mo silang kasama sa saya diba? panget naman kung ikaw pa ang dahilan kung bakit sumama ang mood nila. sapat na sa akin na alam kong anjan sila pag di ko na kaya.

madali lang naman maging masaya. ang kailangan mo lang ay maglagay ng ngiti sa iyong mga labi. kung sana ganoon lang kadali ngumiti... ang mahirap lang sa pagiging masaya ay ang pagdama ng saya sa puso mong pagod na. pero anong kinalaman ng puso kung "happiness is a state of mind" ha? hehehe:) its either mali ko or ang quote... pero malamang ako. haha!

alam kong di pa ako nangagnalahati. mahaba pa dapat ang buhay ng tao diba? pero paano yan kung ayaw ko na?

sige, magcontemplate sa ko sa mysteries sa universe ug magdiscover ug new ways to die. hehe:)

peace and love to all!
ciao!

1 comment:

KONQUER said...

where the hell have you been hiding?
skwela sad uy.....expose yourself to more ways of dying nyahahhaha