Saturday, November 22, 2008
anlungkot ko pala. sobra. dati alam ko lang mahirap maging masaya. kanina, pag gisisng ko, narealize ko na anlungkot ko pala. lalo na ngayong parang isaisang umaalis ang mga taong, bukod sa pamilya, ay mahalaga sa akin. isaisa silang nagbabago, at pakiramdam koy napagiwanan na ako. nakakalungkot. kung dati, sobrang lalim ng mga pagkakaibigan namin, ngayon hindi na masyado. isa pa, ang bigat ng pasanin ng pagaaral ko, kakambal ng mga bagay sa pamila ko na ayokong ikwento. lahat ng ito parang nakakabawas sa pagkakilala mo sa sarili mo. madami akong ginagawa na hindi ko naman alam ang kabuluhan. maraming bagay sa buhay ko na di ko kontrolado, at wala akong magawa. nakakapoagod palang maanod nalang, tangay ng agos. ang hirap pa nito, di ako makaiyak. ramdam ko ang pagod, ang takot, ang kawalan ng saya at kawalan ng saysay. masyado na akong nasanay sa lungkot na nakaugat na siya sa akin. mindan di ko pansin, nalulunod na pala ako sa lungkot. kaya siguro ako gumagawa ng mga hakbang na nagpapatunay na may mga bagay pa na kaya kong kontrolin, na kaya kong baguhin, na nagbibigay pag-asa sa akin na maari pala akong makaramdam ng saya. pero ngayon, pagod ako.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment